Thursday, August 19, 2010

basura at asukal

Habang papasok ako ng opisna, napansin ko, sa tapat ng SC, napakadaming basura. Nagisip tuloy ako. Umulan ba ng malakas kahapon? (Aug. 18, 2010). Hindi ko kasi alam dahil naka leave ako kahapon. Maya maya ay naalala ko, nag rally nga pala sa may SC dahil sa Hacienda Luisita issue. Ok, nandun na ko, may pinaglalaban kayo. Pero tama ba na iwanan ang napakadaming kalat na babara sa mga kanal at estero na magpapalala ng baha tuwing umuulan. Hay, sana naiisip nyo din ang ibang tao, hindi ang sarili nyo lang.

Asukal, bakit mataas na naman ang asukal? Di ba ganito rin ang nangyari nung panahon na pangulo si C. Aquino? hmmm....

No comments: