Uuwi na lang kami ay naisipan pa naming kumain muna. Gutom na rin kasi talaga ako, masakit na ulo ko at mahigit 1 hour ang byahe ko. So sige, kumain muna kami ni Van. Di namin nakasama si Madel kasi may meeting ito sa Diliman.
Sa Burger King naisip ni Van (Pinaka hate kong fast food resto), pumayag na rin ako. Pagpasok, nice! ganda ng music, Usher. Pagupo namin, kwentuhan lang, napunta sa love life. Sabi ko pa kay Van, 'hay naku! mahirap ng makakita ng lalaking hindi malibog ngayon'. Nagulat sya. Aba eh yun naman talaga tagalog nun eh. Kwentuhan pa rin at napunta pa sa 'ex' ko. Kasi feeling ko, actually si van ang nagpa-realize sa 'kin nito, na pwedeng isa sa reason kung ba't ako iniwan eh yung 'sex'.
Napansin ko, album ni Usher pala pinapatugtog kaya tuloy tuloy. Tuloy tuloy na rin pagka alala ko sa 'ex' ko. Kanta kasi ni Usher naging reason ng unang kulitan namin. Separated, kaya eto, separated na kami. Hahaha! Pareho naming gusto si Usher. Pero ngayon ayoko munang marinig mga songs nya.
Magiisang taon na palang wala kami at nararamdaman ko mas magaang na pakiramdam ko. Sabi nga ni Van, mawawala ng tuluyan ang sakit after one year. Yun ang sabi nila. I'm excited na tuloy! Almost 3 months to go!
No comments:
Post a Comment