Sinong wala? lahat naman meron nyan, minsan nga araw araw pa. Kanino ka lumalapit pag may problema ka? Dapat, wala kang lapitan, magdasal ka na lang. Problema mo yan, kaw lang ang makakapag-solve nyan.
Nakakatulong ba sila sa pagbibigay ng payo sa'yo? Di ba minsan nga lalo kang naguguluhan, nalilito, at lalo lang lumalaki ang problema? Mabuti ring makinig sa iba, pero bawat desisyon, dapat manggaling ito sayo at sayo lang. May isip ka di ba? dapat gamitin mo. Hindi mo dapat ipaubaya sa iba ang buhay mo. Sayo nakasalalay kung anong mangyayari sa hinaharap sa bawat desisyon na gagawin mo.
"Alam ko kung anong nararamdama mo." Alam nga ba nya o nila? Hindi! Hindi nila alam. Iba iba tayo. Walang pareho sa mundo. Kahit pareho pang issue yan, ang solusyon o desisyon ng isa ay hindi makapagbibigay ng parehong resulta kung sa ibang tao na.
Sana yun ang naiisip ng iba bago makielam sa problema ng iba. Oo, yung iba, hindi na concern kundi nakikielam o nakikisawsaw na lang.
No comments:
Post a Comment