Friday, February 03, 2006

Mula sa isang LRT Passenger

Matagal na akong sumasakay ng LRT, yung Monumento-Baclaran. Naabutan ko pa yung token. Pero kapag rush hour, medyo hindi ka matutuwa dahil siksikan. Ngayon, naisip ko, naranasan mo na bang....
  • Pumila ng mahaba at matagal dahil isa lang ang ticket booth o yung mismong entrance kung saan pinapasok ang tiket.? (Nagtataka lang ako, ang dami dami nito pero hindi lahat gumagana? sana inaayos nila o di kaya tanggalin na lang, pampasikip eh!)
  • Maipit sa pinto ng tren?
  • Maitulak kapag papalapit na ang tren at kapag bumukas na ang pinto?
  • Maitulak kahit palabas na ng tren at nasa last station na!?
  • Maitulak (pa rin!) ng nakikipagunahang lumabas ng station!?
  • Maitulak (syempre!) ng nakikipagunahan sa upuan?
  • Ma-stranded sa loob ng 15-40 minuto?
  • Matapakan ng isang may matulis na takong habang ikaw naman ay naka open na sandals!? (Trauma 'to!)
  • Halos mapunta na sa unahan ng tren kapag biglaang huminto ito?
  • Sumabit ang damit sa ibang gamit o damit din ng ibang pasahero?
  • Halos maligo sa pawis dahil sira ang aircon?
  • Huminto ang pag-hinga dahil sa katabi mong may hindi magandang amoy?! (Hindi ko sinasabing mabaho ha!)
Ako, naranasan ko ng lahat yan. Eto naman, hindi ko pa naranasan pero naobserbahan ko sa ibang pasahero...
  • Makipagaway sa ibang pasahero dahil sa unahan sa upuan o tulakan.
  • Madukutan.

itutuloy...

No comments: