- Pumila ng mahaba at matagal dahil isa lang ang ticket booth o yung mismong entrance kung saan pinapasok ang tiket.? (Nagtataka lang ako, ang dami dami nito pero hindi lahat gumagana? sana inaayos nila o di kaya tanggalin na lang, pampasikip eh!)
- Maipit sa pinto ng tren?
- Maitulak kapag papalapit na ang tren at kapag bumukas na ang pinto?
- Maitulak kahit palabas na ng tren at nasa last station na!?
- Maitulak (pa rin!) ng nakikipagunahang lumabas ng station!?
- Maitulak (syempre!) ng nakikipagunahan sa upuan?
- Ma-stranded sa loob ng 15-40 minuto?
- Matapakan ng isang may matulis na takong habang ikaw naman ay naka open na sandals!? (Trauma 'to!)
- Halos mapunta na sa unahan ng tren kapag biglaang huminto ito?
- Sumabit ang damit sa ibang gamit o damit din ng ibang pasahero?
- Halos maligo sa pawis dahil sira ang aircon?
- Huminto ang pag-hinga dahil sa katabi mong may hindi magandang amoy?! (Hindi ko sinasabing mabaho ha!)
- Makipagaway sa ibang pasahero dahil sa unahan sa upuan o tulakan.
- Madukutan.
itutuloy...