Noong Oct. 1, 2010, pinagbawal na sa maynila ang kuliglig. Ang "kuliglig" ay "pedicab" na pinapatakbo ng motor na hindi nman nakarehistro sa Land Transportation Office, dahil ang motor nito ay hindi para sa land transportation use. Nakakatawa at nakakainis na ang mga ito ay makikita sa mga national road at iba pang main road sa kamaynilaan. Pero kahapon, narinig ko sa balita na i-extend ang palugit hanggang December.
Bakit pa? kung kailan dadating ang pasko. Ibig sabihin, lalong lalala ang trapiko. Nakakainis lang na pinabayaan na dumami ang mga ganito. Nagagalit na ngayon ang mga nagpapatakbo nito dahil mawawalan daw sila ng hanap buhay. Mabuti sana kung sa mga looban o maliliit na kalye lang sila makikita.
Karamihan sa mga ito, kung sumingit sa daan, walang pakundangan. Ikaw na may sasakyan ang syang iiwas para hindi magasgas ang sasakyan mo. Pag nakakatrapik sila, dahil sa pasingit singit sila sa daan, at nabusinahan, sila pa itong galit.
Bakit? Sino bang mas may karapatang dumaan sa mga main road? Hindi ba't bawal sa main road ang tricycle, e di mas lalong bawal ang kuliglig. Sila na itong hindi nakarehistro, nakakatraffic, mga siga at bastos sa daan, sila pa itong matatapang.
Kung hindi mo maunawaan kung bakit ako naiinis sa maliit na bagay na ito. Subukan mong magmaneho sa kamaynilaan. Mararanasan mo ang mga dahilan ng pagkainis ko.