Last day na ng February. Yey! Malapit na ang bakasyon. Pero bago yun, may finals pa, may apprenticeship pa with matching terminal report at revalida, tapos yung 3 units ng english pa na kulang ko na di ko pa lam kung kukunin ko this summer o sa 1st sem na.
Good Luck sa mga graduating. Hindi yan good luck sa pag graduate kundi good luck sa bar exam.
This year, gusto ng chair ay may MCQ at memorandum type na exam. Akala ng iba, madali lang. Oo, posible na may makalusot sa MCQ. Kung ito yung binibigay sa college o high school. Isipin nyo na lang, mga magagaling na abogado ang examiner. Hindi magbibigay yan ng give away MCQ. At ang masaklap, sa 4 choices, chose the best answer. Mahirap yatang pumili ng isa sa lahat ng 4 na tamang sagot.
Ang masakit pa, all or nothing ang score. Hindi katulad sa essay, pwedeng may partial points kung di mo talaga nakuha ng buo yung sagot.
Basta, sa lahat ng yan, dapat prayers, focus at confidence. Wag makikinig sa mga sabi sabi, pampagulo yun.
Good Luck and God Bless!